Ako ay maglalakad papunta sayo
Sa lupa na aking pininturahan
Sa tali nang ating kapalaran
Ako ay maglalakad papunta sayo
Mahal hawakan mo ang aking kamay
Mahal dinggin mo ang salita kong tunay
Ako ay maglalakad papunta sayo
Tignan mo ang ilaw ng aking puso
Sapagkat pangalan mo’y naka dikit sa aking dugo
Ako ay maglalakad papunta sayo
Sa tanawin ng iyong mga ngiti
Sa humahalimuyak mong mga labi
Mahal ko maglakad tayo
Lakarin natin ang paraiso
Sugurin natin ang mundong bumabagyo
Sa kidlat ng ating pagmamahalan
Mahal ko halika at maglakad tayo
Sa bundok ng ating mumunting isipan
Tignan ang salamin ng ating kaalaman
Mahal ko maglakad tayo
At yakapin mo ako
Nang ikay aking maprotektahan
Sa lahat ng masamang elemento
Mahal ko maglakad tayo
At hahawakan ko ang iyong mga kamay
Habang nakatingin sa kalawakan
At sa bituin ay aking isisigaw
Mahal ko, mahal ko.